Wednesday, February 11, 2009

Collapsing Pre-need companies

Marami sa ating mga kababayan ang nangangamba sa patuloy na pagbagsak ng mga Pre-need companies. Ito na lang sana ang magiging kaakibat natin sa kinabukasang pangangailangan. Aking naalala ng pumanaw ang aking ama. Mula noong mga bata pa kami, sa aming maliit na tindahan sa harap ng paaralan, matiyagang pinaghirapan ng aming mga magulang na bigyan kami ng magandang edukasyon mula sa pagtitinda ng mga kakanin, snacks, pansit, at kung ano ano pa. Dahil na rin sa kahirapan at hindi katiyakang kinabukasan, naengayong pasukin ng aking ina ang paghuhulog linggo linggo sa isang pre-need company. Meron siyang isang libreta na kung saan may sticker na ibinibigay ang agent na pumupunta sa tindahan namin na siya ding kumukolekta ng lingguhang hulog. Isa itong insurance at isang retirement package. Ilang taon din ang lumipas ang paghuhulog biglang hindi na kami binibisita ng agent.. Hindi alam ng aking mga magulang ang mga technical na detalye ng mga insurance, ang alam lang nila, may inihuhulog sila, may makukuha sila pag nangailangan. Nang sa hindi inaasahang pangyayari, yumao ang aking ama.. unang pinuntahan ng ina ko ang insurance at doon nabatid na technically wala na daw ang hulog nila kasama ng retirement at insurance kasi sa biglaang pagtigil ng kanilang hulog.. Kung ganon.. bakit hindi nila kami binigyan ng sulat or dili kaya pinuntahan ng mga bagong agent upang ipabatid na maaaring mawala ang mga hulog namin...pero hinayaan nilang magkaganoon... Naaawa ako sa aking inay noon... pinaghirapan nila pero nawalang parang bula dahil sa mga teknikal na usapin...

maging agresibo sana ang pamahalaan sa pagsubaybay sa mga kumpanyang tulad nito...

2 comments:

Rhel said...

Hi, my friend Roxainnee Denila (Zhyne) referred you to me. You're her previous officemate daw. I'm Rhel btw. I seeked help from her if she knows someone who can help me retrieve my hacked multiply and yahoomail accounts. If retrieving my multiply password is no longer possible, atleast my yahoomail accounts since I have important files there and those are the email address indicated in my resume which I submitted to different companies. I can provide all the important info needed just to verify that I'm the authentic owner of the accounts.
Hope that you could help me please.
Thank you so much!

penoycentral said...

Hi, sorry for the late response.. please refer to my post @ http://www.penoycentral.net/technology/hacking-yahoo-mail-account-how-did-he-do-it/