Thursday, December 7, 2006

Philippine Constitution ConASS

Inabot ako ng madaling araw sa panonood ng TV tungkol sa debate ng mga congressman about sa walang kamatayang ConASS.. Parang rephrase lang ang lahat ng mga pinapasok ng Majority para hindi sila ma-technical...
Magaling talaga si House Minority leader, Congressman Francis Escudero... nakikita ko sa kanya na baka siya ang sumunod sa yapak ng namayapang si Sen. Raul Roco... bawat tanong niya... malaman... at mukhang nag-iingat sumagot ang Majority.. baka kasi maluto sila sa sarili nilang mantika...
kanya kanyang opinyon... kanya kanyang kagustuhan.. alam ba ninyo na isa sa gustong ipasok ng Majority ay aalisin ang term limit.... ibig sabihin, hanggat kayang tumakbo ng isang kandidato ay pede na, ayon dun sa revision...
kailangan ipaliwanag at sabi nga ni Congressman Francis Escudero, kailangan idaan ang lahat sa maayos na proseso at kailangan din na dumaan din siya sa isang public hearing... kung yun nga daw pagbabago ng pangalan street, dinadaan sa isang public hearing, ito pa kayang Saligang Batas natin...

1 comment:

magic said...

hello..hahahahaha..!wala lang..enjoy lang ako sa post mo!