Penoi @ the Orchard
I filed my Overseas Workers Welfare Administration(OWWA) and my SSS at the Philippine Embassy here in Singapore. Tama nga ang sabi nila, mabilis ang processing ng documents since konti lang ang tao sa embassy. Habang nagfifillup ako ng document ko para sa SSS, narinig ko ang dalawang pinay na nag-uusap. Umiiyak yung isa, magfi-file daw siya ng complain laban dun sa agency nila. Tumakas lang daw siya para lang makapunta sa embassy. Sa madaling salita, naloko sila ng agency. Yung isa daw kasama nila, dentist ang inaplayan, pero pagdating dito eh naging domestic helper lang.
Hirap talaga ng buhay, marami talagang kumakapit sa patalim para lang makapagbigay ng magandang buhay sa pamilya.
Nung pabalik na ako sa office, nasa orchard ako at hindi ko alam kung saan pedeng tumawid papuntang Lucky Plaza. Nakita naman ako ng mga tao na basta lang tumatawid. Naghintay ako na ma-clear ang daan at maraming dumadaan na mabibilis na sasakyan.
Biglang may dumating na dalawang pinoy sa likod ko. Tanung ng isa, " May tawiran ba dito??"... sagot nung lalake, "Meron siguro, kasi naghihintay ang isang ito".. sabay turo sa akin...
Awww, napagkamanlan pa akong ibang lahi... siguro akala nila eh European????? american??? or indian ako... hehehe...
wawa naman un mga pinay na un, talagang ingat ingat dapat sa pag-apply puntang ibang bansa...
natawa naman ako sa kwento mo sa pagtawid... malamang turista nga ung nasa likod mo kac d pa sila sanay na maraming pinoy din sa sg... or pde rin nga napagkamalan ka na..... (pikit matang) European.. aw.. ganun ka kac kapogi sa akin hehehe...
Uy Penoi nasa Singapore ka na pala... kawawa naman yung dalawang Filipina. Na-check kaya nila yung legitimacy nung agencies? Sila na lang makakasagot nun, I guess...