Our College Class Prophecy
This was our Class Prophecy noong JS Prom noong college pa kami. Magandang balikan ang nakaraan......
..."More important than WHAT is WHEN"
FATE it seems
is not without the sense of
IRONY"...
..."More important than WHAT is WHEN"
FATE it seems
is not without the sense of
IRONY"...
Class Prophecy"Before Owen had the privilege to speak in front of many people at Cafe Antonia... He drink all the champagne in our table... Darn.... kaya bitin ako noong gabing yun eh...... "
-- Chris
"Good evening everyone. Ito pong aking sasabihin eh magkasama na pong class history and class prophecy. Uso naman po kasi yung integration di ba? And since this is 2 in 1 medyo mahaba sya ng konti. Pero sabi nga ni Adam Sandler sa Wedding Singer "I have the microphone and you don't have, so you will listen to every word I'll say". And dun sa mga kaklase ko please stand up as your name is called. Thank You.
It was January 8, 2011, sakay ako noon ng Air Canada patungong Manila as a surprised birthday gift for my fiancee. Wow kaysarap isipin na after 10 years, after 10 long years ay eto ako at muling babalik sa bayang pinagmulan ko. Para bang sandali lang ang sampung taon na ipinamalagi ko sa Vancouver. Ang natatandaan ko ay April 2001 dumating ang working visa namin ng tinatawag kong bayaw at sanggang-dikit sa guisado ng MGM, si Christopher Perez na sampung taon ko ring nakasama sa Canada at ngayon ay head na ng Production Engineering Staff ng Sun Microsystems which was based on Vancouver.
Here it is…
Palibhasa ay marami akong nainom na juice ng mag-stop-over ang eroplano sa Narita Airport Japan kaya medyo feel kong mag-CR. Nang lalabas na ako eh napansin ko sa di kalayuan ng CR na yun ang isang babaeng di naman katabaan. Nasabi ko tuloy sa sarili ko, "Pareng Owen, pag eto eh hindi si Cecil, ipapuputol ko ang tubig at kuryente ng kapitbahay ko". At pag-harap ng babaeng sinasabi ko ay di nga ako nagkamali. Sabi ko na nga ba. "Hoy Cecil, ikaw na ba yan?" ang halos pasigaw ko ng tanong. Maski nga sya eh nagulat din. Sabi nya, kumusta, I mean galing ka ring Toronto? Sabi ko hindi, sa Vancouver kako ako…Tapos nun eh walang katapusang kwentuhan. Sabi nya, naiba na ang apelyido nya. Syempre alam nyo na yun. You just don't have to make the things that are obvious be obviuos. And as a matter of fact, she got 2 children at galing sya sa Toronto kasi umattend sya ng training as representative of Amkor Anam Philippines where she work as Communications Specialist. Nakuwento nya rin na na-meet nya sa training sa Toronto sina Morlan who is working as Information Technology Senior Vice President of Philips Semiconductor based on Ontario at si Divina who's engaged in the same company as Sales Manager. And of course nabanggit nya ang "So very special someone of her life" who is now the Vice President for the Asia Pacific ng Intel. Does anyone here know Intel?
Nabanggit ko din sa kanya na tuloy ang e-mail ko sa mga classmates namin, tulad ni Pareng Ron who is now working as the Senior LAN Administrator ng isang multinational oil company sa Australia. Sabi ko nga eh nagkatotoo din ang pangarap ni Pareng Ron. Dagdag ko pa ke Kumareng Cez eh kako once na nagkasama kami ni Topher sa Business Solutions Group ng company eh nagpunta kami ng New York and actually we spent 5 days sa PAD ni Leoncio, and guess what kung anong trabaho nya. Leoncio is the Networking Consultant of Cisco Systems New York. Tapos dinalaw rin namin ang babaeng maraming alias pero superbait naming barkada, si Emmarie who is the Marketing Manager of EMC2 (the second best computer industry in the world) and is spending her life at New Jersey with Johnny and 3 children.
Nanghihinayang lang ako kasi masyadong napakabilis lumipas ng mga oras tsaka pagod na rin kaming magkwentuhan ni Mareng Cecil.
Pagbalik ko sa aking upuan ay naisipan kong humiram ng dyaryo sa flight attendant. Sabi ko, "Ma'am do you have any Filipino newspaper here except Abante or Bulgar? Nangiti sya sa akin. Mabuti naman at meron daw.
Ang maganda sa istorya ay ganire po. Headline pa lang ay eto na ang nabasa ko. Department of Communications and Information Technology Secetary launches a new e-commerce project. And guess who kung sino ang tinutukoy ko. Aba't walang iba kundi si Dideth. Tingnan mo nga naman ang nagagawa ng panahon at kung hindi dahil sa picture ay di ko sya mapapansin. At sino yung katabi nya - ah si Lovely - ang bagong appointed na Chief Director ng Telecom Training Institute. Sabi ko tuloy. "Ano ba yan masyadong nadominate ng taga-Pablo Borbon ang IT Department".
And as I turn the pages of that issue of Manila Bulletin, nagulat talaga ko. Imagine natupad din ang pangarap ni Sherwin - he is now the Systems Engineering Department Head ng PAGCOR. Natatandaan ko pa nung sabay kaming umuuwi galing sa iskwela na gusto nya raw maging Chairman ng PAGCOR na alam kong sooner or later will turn out to be real.
At habang patuloy kong binubuklat ang pahina ng dyaryo ay marami pa rin akong ikinagugulat- sa Technology Section ay mga pamilyar na pangalan ang nakikita ko. Noriel Gutierrez and Allan de Torres proposed another project on the RCBC IT Zone. Bale they are the Directors of the Internet Business Solutions Group ng IBM, Makati. Samantalang si Reynald (as an excellent student in Engineering Management subject) is working as the Customer Solutions Manager ng Fujitsu Philippines at si Topher M. is currently the Director for Alliance Department ng Hitachi Philippines based on Cabuyao, Laguna. At eto pa ang kung tutuusin ay sa angking ganda at talino ay di naman malayong mangyari. Nhicel has been the Chief Technology Officer ng Nokia for the last 4 years.
Nang mapagod ako ng kababasa ay naidlip ako sandali trying to bring back year 2001 - nung kami ay masyadong busy sa pag-aaral. Nariyan yung wala ng tulugan, wala ng liguan - maka-submit lang ng mga requirements. Dumating pa nga sa point na naghiga sa pathway ng iskwelahan sa sobrang puyat. Pero kung iisipin, yung mga pagsubok na iyon ang nagpatibay sa amin, yung mga pagsubok na iyon ang naging dahilan kung bakit kumikilos at nag-iisip kami bilang isa. I even remember the time na bago mag-exam ay nag-kakantahan pa kami. I'm sorry but I have to sing this part para ma-appreciate nyo. "Walang sinuman ang nabubuhay para sa sarili lamang". Dumating pa nga sa point na lilipat lahat ng iskwelahan kasi yung bilang namin na 39 ay more or less magiging 10 na lang. Mabuti na lang at marami pa ring mabubuting nilalang ang may malawak na pang-unawa and eventually ay nagligtas sa amin. And in behalf of my classmates I would like to thank all the people of Pablo Borbon (instructors, personnel's and students) for truly making PBMIT "our second home". At ipinangangako po ng klase na kailanman ay di namin kayo malilimutan.
O sya sya tama na Tito Aga!!! And by 10 minutes may boses na lumabas sa speaker , boses ng flight attendant na kausap ko kanina. Sabi nya, "Please fasten your seatbelt, we are now boarding NAIA International Airport. Wow grabe na. I mean yun pala ang feeling ng balikbayan. Yun bang parang sa pocketbook, yung ano, yung walang kahulilip na kaligayahan. Nasasabik tuloy akong makita ang mga kamag-anak ko, mga kaibigan, kumare, kumpare at iba pang mahal sa aking buhay.
And while waiting for my things at the baggage counter, I turned on my palmtop and tried to download mail messages. At since kanina pa ako ginugulat ng mga pangyayari ganito yata talaga pag-sinuswerte ka. Hindi lang sunod-sunod. Talagang sunod-sunod.
I've got a lot of new mail messages. On top is from a "Friend of Mine", and actually during our college years is the famous "Tia DELY" - Rachel who is now the new Management Information Systems Manager ng ASTEC Power Inc. sa Rosario, Cavite. And as I open the message, napangiti na naman ako. Kasi ibinabalita ni Rachel na si Mark na ang head doon ng Systems Support Engineering Group, samantalang ang butihin nitong maybahay na si Aby ang Head Operator ng AS-400 system. Sabi ko tuloy sa sarili ko - malamang si Pareng Rogam ang Senior LAN Admin o kaya ay Systems Engineer doon. Siguro nakahiyaan nya lang banggitin.
Then I tried to open my other mails, andun yung advertisement ng isang Corporate Account Technical Manager ng Ashwinsmail.com. At pag-kakita ko pa lang ng title alam ko nang kay Rhea ang site na yun. Sinong mag-aakala na ang site nya since college ay magiging e-commerce solutions site. Next na inopen kong mail ay galing kay Rose who is currently the MIS Director ng Shell Pilipinas. Biruin mong ang isa sa napakaraming me-ari ng cellphone na hiraman ko noong College eh magiging big-time pala.
After that eh sinalubong na ko sa Arrival Area ng sundo ko. To make the long story short pagdating ng Bauan, eh nagpadaan ako sa Immaculate Concepcion Parish Church. Bale I just wanna make a short visit in the Blessed Sacrament, the place kung saan kami nag-tatagpo ni Mark…At ni Abby din nga pala pag pumapasok kami.
Nang di sinasadya (palibahasa ay may jetlag pa) ay nasagi ko ang isang mamang naka-Polo barong. Sabi ko tuloy grabeng coincidence na ito ah. I mean kilala nyo na more or less ang tinutukoy ko. Sabi ko tuloy sa mama, "Father, I'm sorry po". At di nga ako nagkamali, he is the same person I'm calling as Father during my college days. Siya nga si Enrico - the current Director for Information Systems ng Archdiocese of Lipa. May ilang minuto din kaming kumustahan, tanungan at kwentuhan ng aming mga buhay hanggang sa tinanong nya ko kung bakit ko naisipang umuwi matapos ang napakahabang panahon. Ang sabi ko sa kanya, Father maybe there is really one point in your life when you want to be reunited with your old friends, with the people whom you spent at least 3-5 years of your life. Kaso lang kako at this point I'm afraid to organize a "class reunion". Alanganin kako kasi baka maging Class Reunion ng Mechanical Engineering yung party natin. (Biro lang po).
Tinanong ko sa kanya, "Father alam mo ba kung saan makokontak yung iba nating classmate. Then he enumerated some. Sabi nya, ang alam ko si Melanie is now on APC-Laguna - she is the Quality Control Department Head of American Power Conversion. Samantalang si Genovaive ay Communications and Network Engineer sa Lemery which is by this time a City. Then si Anabel ay Senior Analyst ng Software Research Group ng SMART Telecom sa Calamba. Ah ganon ba, sabi ko. Paano naman si Ycel, Meynard at si Ebeth?
Nagkwento na naman sya. Ganito yun pangulo, 4 years ago nag-converge ang mga power plant sa Batangas including NPC Calaca at First Gas sa Sta. Rita. And since si Ebeth ang pamilyar sa ins and outs sa mga power plant, eventually she became the Chief Information Officer of it. Si Meynard naman ay Technical Consultant na ng Globe Telecom ng Batangas.
Me kulang pa ba? Opo si Ycel nga - ang ipinagmamalaki ng CoE as "The Walking Frontpage and the Master of All Masters". Who would have thought that she would be the Owner-Developer of the No. 1 Internet Solution Firm in the country - ang MCB Online Services.
Gulat na gulat talaga ako. I mean it was more than just a coincidence. Nang walang anu-anoy may kamay na pumatong sa balikat ko. At unti-unting ang kaninay hawak lang ay yumuyugyug na. Paglingon ko ay si Andrew pala, ang superbait na technician ng PBMIT. Tapos sabi nya, "How, Owen aba'y isauli mo na daw kay Ka Rudy yung hiniram mong extension cord. Tulog ka ng tulog".
Sandali akong natulala. Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Nang igala ko ang aking mga mata ay nalaman kong nasa LAB1 pala ako. Nakatulog na sa pag-I-internet.
At ang mga pangyayari kanina ay pulos panaginip lang. Kayganda namang panaginip non. Panaginip na kung maaari ay nais kong balik-balikan. At kung muling mamarapatin na mapanaginipan, gasgas man ang linya ay nais kong muling gamitin "Na kung ito'y isang panaginip ayaw ko ng magising pa".
Susmaryosep, panaginip pala lahat iyon. Parang totooo. Parang kanina ay abot-kamay ko lang. Pero kung nanaisin at pagsusumikapan, sa tulong ng ating naging matibay na pundasyon sa PBMIT, lahat ng pangarap natin sa buhay ay abot kamay din lang. Gaano man ito kahirap, gaano man ito kataas.
Let us just remember "More important than WHAT is WHEN" and "FATE it seems is not without the sense of IRONY". Alam ko pong alam nila yun kasi line yun from the class "favorite" movie THE MATRIX, di ba Ma'am Princess?
And at this point in time, I'd like to ask my classmates na sana after 10 years no matter what happen, no matter what it takes, we will be here in Café Antonia once again. I hope so. I really hope so.
Again, thank you very much and Good Evening."
Marc Owen T. Sarmiento
CoE 521
March 3, 2001 Saturday
he he he, sarap sana kung nagkaganyan nga ang bawat batch. Fast forward today, eto tayo boy fofoy pa rin! bwahahaha!
ycel is the master of masters, adik kasi
ganda ng prophecy, sana magkatotoo lahat sa inyo ang mga iyon